Ako Ba ang Mahal Mo o Yung Akala Mong Ako?

Ako Ba ang Mahal Mo o Yung Akala Mong Ako?

Hindi naman talaga ako ang gusto mo noon e. Alam ko merong iba. Nakikita ko sa facebook halos lahat ng posts nya may comment ka.

Ewan ko ba. Bakit pa kasi na-feed ka sa recommended friends list ko noon. Sana hindi na lang ako nagfriend request. At sana hindi ka na lang nagPM para mangumusta.

Andun na yun noon e. Nagdalawang isip nako noon na ibigay sayo yung hinihingi mong number ko. Nung nakapag-decide nakong ibigay sayo, namali pa ng isang numero. Andun na diba? Masamang pangitain na.

Hindi ko alam bat hindi ko nakita yun noon. Binigay ko pa rin yung number ko and at that time, tama na yung nabigay kong number kasi tumawag ka agad. 

After 20 years at dahil sa Facebook, may communication na tayo uli. 

Ang taas pala ng tingin mo sakin noon no? Nung mga bata pa tayo, nung elementary pa tayo. Honor pupil, popular sa class, sa school, sa choir. Tapos ikaw yung tipong tahimik lang, boy next door type, simpleng simple lang. 

Hindi ako naniwala noon na crush moko nung elem. Parang wala namang pagpaparamdam kasi. Pero nung magkasama tayo ng dalawang buwan, okay na, convinced nako, may paghanga ka nga noon sakin.

Andami mo kasing memories sakin. Wala man lang akong maalala ni isa. 

Taas lang talaga ng level ng tingin mo sakin no? Hindi ko tuloy alam kung minahal mo ba talaga ako o ginusto mo lang ako kasi meron kang inakalang ako? Na sobra ka nang na-frustrate kasi mali mga expectations at assumptions mo.

Mga bata pa tayo noon eh. Tingin mo kasi sakin ang perfect. Hinahangaan. Sikat na sikat. Eh di ako marunong magtupi ng damit. Makalat sa kwarto. Iyakin. Lost. Weak.

Nafrustate ka tuloy. Hindi pala ako yung akala mong ako. 

Sa dami ng mga sulat ko sayo, wish ko lang talaga na itong isang to ang sana mabasa mo. Kasi alam ko na pag nabasa mo to, maliliwanagan din ang puso mo. Malalaman mo kung bakit ka sumuko.

Hindi nama kasi ako yung minahal mo eh, minahal mo yung akala mong ako.

We want to hear from you. Share your thoughts. Thanks!

Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: