Ano ang Gagawin sa Selosang Girlfriend

Ano ang Gagawin sa Selosang Girlfriend

May mga babaeng sadyang napakaselosa lang na kahit nga ata kaibigan lang e pagseselosan na. Ako nga mapatingin ka lang sa iba, mag-iisip na ako ng hindi maganda.

Eh kasi naman, kung wala lang talaga yun, bakit hindi lalake tinitignan nya? Bakit sa mga babae lang naman sya napapatingin? Anyway, sabi nga ni Vice Ganda, “tama na ang kakatanong. Wala na sya, wala ng sasagot.”

In other words, move on na. At move on na nga talaga. Siguro I’m just looking back, hindi para pagsisihan pa lahat ng mga nangyari o magalit o kung ano pa, kundi para kapulutan na lang ng aral.

Isa kasi yung kakaselos at insecurities ko ang naging dahilan kaya sya nanawa e. So I learned my lesson.

Palampasin na ang mga maliliit na bagay para wala ng away. Hindi ka naman kinakaliwa e. Sobrang loyal nga nya diba. Wag OA.

Paano kung may girlfriend kang gaya ko? Paano kung napakaselosa ng girlfriend mo? At sobrang insecure na hindi mo na alam kung paano sya i-handle?

Para sakin, kung insecure ang girlfriend mo,  kelangan mo lang syang isecure. Kelangan mo lang syang i-assure na wala naman talaga syang dapat ipagselos.

Paano kung paulit-ulit? Eh di paulit-ulit mo rin syang susuyuin at i-assure na wala naman talaga syang dapat ipagselos. Na sya lang naman talaga ang mahal mo. Na hindi ka gagawa ng anything para masaktan sya.

Kelangan mong iparamdam sa kanya na nagtityaga kang mag-antay sa panahon na ibibigay nya ang complete trust nya sayo. Just earn her trust. Papano? Just be loyal. Yung loyal na hindi nagchi-cheat. Yung wala talagang kalandiang iba.

Mararamdaman naman nya yun. Hindi mo naman kelangan mag-exert ng sobra sobrang effort para i-prove na sya lang talaga. Basta sya lang talaga, wala ka ng ibang gagawin kundi antayin na madiscover din nyang wala naman talagang iba.

And soon mare-realize din nya ang babaw ng pinagseselosan nya. Wala lang pala talaga mga yun.

Pero kung makikipag-away ka, the more that she will feel insecure. Oo nakakapikon yung ma-accuse ka of something na hindi mo naman ginagawa. Pero be patient lang. Kasi nagseselos na e, my hindi sya magandang nararamdaman and if you make her feel worse by pointing out how shallow she is, mas lalo lang syang makakaramdam ng hindi okay. 

Pero kung paulit ulit pa rin at parang hindi mo naman nage-gain yung trust nya. Alam mo yun yung parang hindi naman ata sya magbabago. Nasa dugo na yung pagiging selosa at may trust issues talaga, then it’s up to you. 

Kung mahal mo, aantayin mo. Kung di mo na maantay, eh di let go. Gaya ng ex kong akala ko mahal ako. 

Nung nagkaron kami ng closure at isa to sa issue na sinabi nyang dahilan kaya sya sumuko, dun ko lang na-realize na oo nga, sobrang insecure ko lang noon at may trust issues lang talaga ko noon. 

Pero hindi lang talaga sya nakapag-antay.

Itong husband ko sobrang slight issue lang samin ang selosan. Hindi ka talaga nya bibigyan ng dahilan para magselos.

He always makes me feel na kahit ano pa itsura ko, ako lang ang pinakamaganda para sa kanya. Kahit andaming flaws sa katawan ko, ginagawa lang nyang katatawanan yun at never kong naramdaman na turnoff sya sa mga imperfections ko. 

Kaya naging kampante nako. Di ko kailangang icheck ang phone nya o fb nya. Kahit mapatingin pa sya sa mga magaganda at sexy na babae, okay na sakin. 

So yun guys, sana kapulutan nyo ng aral ang kwento na to. Thanks for reading! 🙂

We want to hear from you. Share your thoughts. Thanks!

Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: