Anong Gagawin Pag Iniwan Ka sa Ere

Anong Gagawin Pag Iniwan Ka sa Ere

Kung iniwan ka at sinabi sayo ang dahilan, swerte ka. At least sinabi sayo kung ano ang problema, kung ano mali sayo, kung bakit humantong kayo sa ganito.

Masakit man pero madali mong matatanggap kesa iwan kang di mo alam ang dahilan. Yung tipong iiwan ka na lang basta basta. Walang pasabi. Walang kahit ano.

Tetexan mo pero wala ng reply. Tatawagan mo pero d na sumasagot. Iiwasan ka na lang ng iiwasan hanggang mapagod ka na at ikaw na mismo ang sumuko sa kanya.

Wala ka namang ibang gusto kundi malaman ang dahilan diba? Bakit moko iniwan? Anong mali sakin? Ano ang kulang sakin? May iba na ba? Ano bang nagawa ko? Ano ba ang hindi ko nagawa?

Siguro kasi hindi ako ganun kaganda, kasexy, kaputi, kakinis, katangkad. Hindi ako ganun katalino. Hindi ako ganun kamacho, kagwapo. Baka hindi ako masyadong sweet. Hindi ako ganun kabait. Nagger kasi ako. Bungangera. Seloso selosa etcetera etcetera.

Pag iniwan ka kasi sa ere madami tatakbo sa utak mo. Madaming pagsisisi, mga what ifs, mga could haves at should haves. Madami syang nirereklamo noon sana ginawan ko na lng ng paraan para d nyako iniwan.

I should have done this, I should have done that. What if magmakaawa ako, bantaan kong magpapakamatay ako. Sana di na lang ako naghigpit sa kanya. Sana pinapayagan ko na lang sya lagi sa mga lakad nila ng mga barkada nya. Sana ganito, sana ganoon. Baka sakaling kami pa hanggang ngayon.

Hindi talaga madali pag iniwan ka na lang ng basta basta. Sasabihin ng iba, mag move on ka na. Antagal mo nang nagmumukmok jan. Tama na yan. Madami pa jang iba. He/she is not worth it. Kung talagang mahal ka nya babalikan ka nya.

Oo tama sila. Pero di kasi nila alam ang pakiramdam. Pag iniwan ka na hindi mo alam ang dahilan, parang kukwestyunin mo yung buong pagkatao mo. Pakiramdam mo hindi ka sapat. At pakiramdam mo wala kang kwentang tao dahil nakaya ka lang nilang iwan ng basta basta na hindi man lang isinaalang alang yung mararamdaman mo.

Sa totoo lang, nakakababa to ng self esteem. Hindi lang yung puso mo ang wasak, buong pagkatao mo pati kaluluwa mo. At matatakot ka ng magmahal uli dahil baka saktan ka uli ng ganito.

Baka sa dulo iiwan ka rin. Baka pag may nakitang mali sayo o may hindi magustuhan sayo, iiwan ka rin lang. Baka hindi matanggap ang nakaraan mo. Baka kung kelan hulog na hulog ka na, saka ka hindi sasaluhin.

Everyone deserves a closure. Dahil pagpapakita ito ng respeto sa naging relasyon at nakarelasyon nyo. Pagpapakita ito na kahit papano, pinahalagaan nya kung ano ang meron kayo. Kaya ang hirap mag move on pag walang closure kasi ito na ata ang pinakamasakit na paraan ng paghihiwalay.

Kung hindi nya naibigay ang closure na hinahanap mo, ikaw na mismo ang magbigay nyan sa sarili mo. Wag mo syang antayin bago ka magmove on. Ikaw na mismo ang tumapos ng paghihirap ng kalooban mo.

Hindi ko sinasabing madali. Pero unti unti, makakayanan mo rin yan. Ibalik mo yung dating ikaw na nawala nung iniwan ka nya. Subukan mo lang. at makikita mo at baka magulat ka pa, na sa unti unti mong pagbuo sa mga nawasak sayo, mas matibay at mas magandang ikaw pala ang mabubuo mo.

Kapit lang. maraming tao ang nagmamahal sayo. Ung totoong nagmamahal sayo. Mga taong d ka iiwan kahit ano pa ang pagdaanan mo.

Patawarin mo na sya sa pang iwan nya sayo. At patawarin mo na rin ang sarili mo sa mga iniisip mong kulang sayo kaya sya lumayo.

Merong taong tatanggap sayo bilang ikaw, kung ano ka pa. May taong makukuntento sa kung ano lang ang kaya mo. May taong titignan ka at sasabihin sayong sapat ka na. Yung taong d ka iiwan at kaya kang ipaglaban. Yung ipaglalaban ka hanggang dulo at kahit kailan, hindi ka susukuan. 

Oo sa ngayon mahirap paniwalaan. Pero pasasaan ba’t makikita mo rin na may point pala lahat ng mga taong nagpapayo sayo. Dahil at one point in our lives, pinagdaanan na natin ang mga yan.

Hindi lang nga parepareho ng karanasan ng heartbreak pero heartbreak pa rin. Masakit pa rin. At kailangan pa rin mag-move on.

Just be patient. Malalagpasan mo rin yang pinagdadaanan mo. Hayaan mo na kung iniwan ka sa ere. Kung anuman ang dahilan nya ba’t bigla na lang syang nawala, sana balang araw malalaman mo rin ang sagot.

Pero kung hindi man dumating ang araw na yun, patawarin mo na lang sya at hangarin mo na lang ang kaligayahan nya. Focus ka na lang sa paghilom ng sugat mo dahil parating na ang tamang tao para sayo.

We want to hear from you. Share your thoughts. Thanks!

Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: