Kung Iniisip Mo Pa Si EX Wag Muna Humanap ng NEXT

Kung Iniisip Mo Pa Si EX Wag Muna Humanap ng NEXT

Mag-move on ka na.

Kalimutan mo na yun.

Don’t be too hard on yourself.

It’s not your fault.

It’s not your loss.

He doesn’t deserve you.

Maraming iba jan.

Kaya mo yan.

Nakaya mo noon, mas kaya mo ngayon.

Kung kayo balang araw, magiging kayo pa rin.

Let it go.

Get a life.

He’s not the one.

He’s not really worth it.

Magpaganda ka.

Makipag-date ka.

Ipakita mo sa kanyang masaya ka.

Sounds familiar? Ito ang mga kadalasan nating naririnig sa mga support group natin each time na makikipag-break tayo. Mga katagang gustong gusto mong paniwalaan pero dahil sa sobrang sakit, parang hindi mo sila naririnig.

Ang dali naman kasing sabihin lahat nyan. Ang dali pag hindi ikaw yung nasa ganung kalagayan.

Paano nga ba talaga makakapagmove-on sa isang relasyong gusto mo pa ring mapanatili kahit ang imposible na? Ang hirap diba?

Kasi sa isang taong nakikipag-hiwalay, gusto ka na nyang iwan kasi gusto na nyang magmove on. Ikaw na hinihiwalayan, ikaw na iniiwan, mapipilitan ka rin magmove on na kasi ayaw ka na.

Kahit naman sa anong aspeto ng buhay natin, masakit kung sa masakit naman talaga ang rejection. Mapapaisip ka ng kung ano ano bat ayaw sayo, bat ayaw NA sayo, ano ang wala sayo, ano ang hinahanap nila sa iba na wala sayo.

Hindi ko tuloy alam paano ko sasagutin ang paano nga ba magmove ne kasi pati ako yan ngayon ang mga tinatanong ko sa sarili ko. 😀

Meron akong nabasa. Sabi dun, ang unang una mong kelangang gawin e, wag ng umasa na magkakabalikan pa kayo. Ouch! Una pa lang semplang na! Kaya pala hindi ako makamove on move on! Umaasa pakong magiging kami uli, na iniisip kong tinitikis nya lang ako, na pinapahirapan nya lang ako para marealize ko ang worth nya. Ang shunga lang, ayaw na sakin talaga! Tanggapin na nga!

Pangalawa, kelangan i-divert ang attention sa mga makabuluhang bagay gaya ng bonding with your family, labas labas naman pag may time. Yung mga bagay na hindi mo nagawa noon, yung mga pag nagpapaalam ka noon tapos hindi ka pinapayagan? Now is the time to do all such! ^_^

At pangatlo, kung iniisip mo pa si EX, wag muna humanap ng NEXT. Nasa stage tayo ngayon na masyado tayong vulnerable at kahit sino na atang magbibigay ng special attention satin at madadala na tayo, maiinlove na tayo agad.

Mahirap mag-isip ng matino at this point lalo na sobrang broken pa ang puso mo. Remember not to rush into things and give your heart the time to heal kasi kung hindi, yung sakit from the past, madadala mo lang sa next na relationship mo. At baka mas lalo ka lang masaktan in the process and moreover, makakasakit ka lang.

Wag naman gawing REBOUND ang kahit sino lalo na ang mga taong my good and sincere intentions sayo.

Naku sana nga makamove on na tayo pare-pareho. Remember, rejection doesn’t mean you are no good for them. They are simply looking for someone else.

Just have faith, and I’m sure, kahit mahirap paniwalaan sa ngayon, pero darating at darating din yung taong swak sayo, yung taong ang hinahanap ay yung kagaya mo.

We want to hear from you. Share your thoughts. Thanks!

Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: