Masakit Magparaya Pero Mas   Masakit Kumapit sa Taong Bumitaw Na

Masakit Magparaya Pero Mas Masakit Kumapit sa Taong Bumitaw Na

Ang hirap talagang maglet-go sa isang bagay na antagal naging iyo no? Alam mo yung inangkin mo na sya, inaasahan mong sayong sayo lang sya, magpaplano ka pa nga ng kung ano ano kasama sya, pati mundo mo paiikutin mo sa kanya. Tapos bigla na lang matatapos.

Alam mo yung, andami nyo ng nabuong pangarap, mga plano sa buhay, yung nakikita mo na ang future mo na sya ang kasama mo. Tapos biglang wala na. Mag-isa ka na. Parang ang hirap uli mag-umpisa. Hindi mo actually alam kung paano ka uli mag-uumpisa.

Parang ang OA lang talaga, pero totoo kasi ung pakiramdam na parang katapusan na ng mundo. Na wala ka ng ganang bumangon sa umaga. Na iiiyak mo na lang hanggang mapagod ka para makatulog ka na.

Madali sa kanya na nang-iwan. Yung pipiliin na lang nyang tignan kung ano ung mga hindi maganda sayo, sa relasyon nyo, hanggang sa makita na nyang wala ng patutunguhan to.

Pero ikaw na naghohold-on parin, ikaw na ayaw bumitaw, mas pinipili mong tignan yung magaganda sa relasyon nyo, nagpapaka-optimistic ka na magiging okay din ang lahat, na kaya nyo pa to, na worth saving pa rin ang relationship nyo, na isasaisantabi mo lahat ng ayaw mo, lahat ng nakakapikon para sayo, lahat ng kasalanan nya, mga mali nya, mga pagkukulang nya, maging okay lang sana kayo.

Ang sakit lang talaga pag hindi na kayo pareho ng gusto no? Yung sasabihan ka pa ng, “Oo sinabi kong walang iwanan NOON. Noon yun. Iba na ngayon.”

Yung tipong mapapapikit ka na lang sa sakit at iiyak na lang ng iiyak at wala ka ng pwedeng ibang gawin kundi magdasal na sana lumipas na yung sakit na nararamdaman mo kasi quotang quota ka na.

Yung pakiramdam na sinasadya ka na lang nyang saktan para magalit ka na sa kanya, para kusang loob ka ng lumayo sa kanya.

Yung mahal na mahal mo pa rin sya pero may lamat na ang relasyon nyo at alam mong kahit magkapatawaran pa kayo e hindi na talaga uubra.

Pero ang pinakamasakit sa lahat, yung tatratuhin ka na para kayong walang pinagsamahan, na para kayong walang mga pinagdaanan, na wala na talaga syang pakialam masaktan ka man o hindi, yung kaya nyang ibalik sayo pati mga niregalo mo, pati mga sulat at cards na pinadala mo.

Parang ang babaw no? Gamit lang naman yun. Pero kasi parang kasama na dun yung puso mo, yung pinipilit mong kanya pero pinipilit naman nyang isoli na sayo. Kaya hayun, durog durog na. Aanhin mo pa yun diba? Sana tinapon na lang nya sa basura…

We want to hear from you. Share your thoughts. Thanks!

Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: