Masarap Magmahal Pero Mahirap ang Masaktan

Masarap Magmahal Pero Mahirap ang Masaktan

Masarap magmahal pero mahirap ang masaktan. Masakit kasi totoo. Masakit kasi seryoso. At mas masakit kung minahal mo nang sobra. At pinakamasakit kung lahat lahat bigla na lang mawawala.

Mahirap magmove-on sa isang bagay na bigla na lang nawala. Lalo na pag matagal mo itong nakasama. Walang kasing sakit pag first time mong maranasan. Mas masakit na naman pag ikaw ang iniwan.

Parang magugunaw ang mundo mo. Sobrang bigat sa dibdib na kahit umiyak ka nang umiyak, hindi nawawala ang sakit na nararamdaman mo.

Iiiyak mo na lang hanggang makatulog ka. Parang ayaw mo nang bumangon sa umaga. Maghihilamos ka na lang ng luha.

Kung minsan mapapaisip ka na lang, “meron pa kayang magmamahal sakin pagkatapos nito?”

O kaya sasabihin mo na lang sa sarili mo, “ayoko nang magmahal. Tama na. Nakakapagod na.”

Parang wala ng direksyon ang buhay mo at hindi mo na alam ang gagawin mo. Kasi lahat ng ginagawa mo para sa inyong dalawa.

Lahat ng pangarap mo kasama sya. At parang ang hirap ng ituloy ang buhay kasi bawat paghinga mo nasa tabi mo sya.

Kung hanggang ngayon nasasaktan ka pa rin, sige lang. umiyak ka lang. damhin mo yung sakit. Harapin mo ang araw nang malungkot.

Kung gusto mong mapag-isa, sige lang. umiyak ka, sumigaw ka. Magalit ka. Magwala ka.

Basta ipangako mo lang sa sarili mo na may hangganan to, na hindi mo sasanayin ang sarili mo sa sitwasyon na ganito.

Dahil ang totoo, darating ka talaga sa punto na magiging okay ka na.
Sinasadya mo man o hindi, darating yung araw na hindi mo na sya naaalala. At kung maalala mo man, hindi ka na nasasaktan.

Pasasaan bat makakayanan mo rin ang lahat. Kung ngayon maiiyak ka na sa simpleng kanta, darating ang araw na kahit theme song nyo pa ang mapakinggan mo, maalala mo sya pero wala ng luha.

Kung ngayon araw araw kang umiiyak, darating dn ang araw na hindi na ganun kabigat sa pakiramdam. Makakabangon ka rin. Lahat ng bagay pansamantala lang at kasama na jan ang sakit na nararamdman mo sa kasalukuyan.

Magtiwala ka lang. matatapos din yan.

Sabi nila time heals all wounds. Pero paano pag ilang taon na hindi ka pa rin nakakamove-on? Pano pag ang hirap pa rin para sayo na magmahal dahil lagi pa rin nakakabit sayo ang nakaraan mo?

Sabi nila it’s all in the mind daw. Pero para sakin, it’s all in your perspective.

Pag sa isip kasi, nasa isip mo lang. Pero kung pananaw mo ang babaguhin mo, madadala mo yan pati sa actions mo.

Kaya mas mapapabilis ang pagmove on mo kung nakaset na sa utak mo na kaya mo na syang kalimutan AT gumagawa ka ng mga PARAAN para hindi mo na kailangang balik balikan ang iyong nakaraan.

Sa kahit anong relasyon, meron at meron talagang pagkakamali ang bawat isa. At pag nagkahiwalay na kayo, importanteng magparaya hindi lang sa sakit na naranasan mo sa kanya kundi pati na rin sa sakit na naiparanas mo sa kanya.

Dahil minahal mo sya kaya nasaktan ka at wag mong kakalimutan na minahal ka din nya kaya nasaktan mo rin sya.

Acceptance lang talaga. Tanggapin mong tapos na kayo. At kailangan mo nang magparaya. At kung nakaya mo na yun, dun ka na makakamove on.

Hindi sya madali, pero unti-unti, makakaya mo ring tumayo sa sarili mong paa dahil naghihintay na sayo ang bagong umaga.

We want to hear from you. Share your thoughts. Thanks!

Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: