Paano Ba Dapat Makipag-break?

Paano Ba Dapat Makipag-break?

Masakit na nakikita mong nasasaktan ang taong minahal mo pero mas masakit kung ikaw mismo ang dahilan ng sakit nato.

Akala ng iba ang dali lang mang-iwan. Na kapag sinabi mong, “break na tayo”, dun na nagtatapos ang lahat.

Kung tutuusin, umpisa pa lang nga yun eh. Umpisa pa lang ng mahaba-habang proseso ng pagdadalamhati – ng galit, ng depresyon, ng pagtanggap at pagpaparaya.

At hindi lang ito para sa taong iniwan kundi pati na rin sa taong nang-iwan. Mahirap din sa part ng nakipag break ang makipag break. Minsan nga kung sino yung iniwan, sya yung unang nakakamove on. Sya pa yung agad agad na may jowa.

Hindi lang ang iniwan ang nagiging miserable. The fact na nakasakit ka at alam mong magugunaw ang mundo nya, parang wala ka ng ibang choice kundi pakisamahan na lang sya. Meron pa nga nananakot na magpakamatay diba? At kung tinotoo, pano yun dadalhin ng kunsensya mo?

Kaya nga ang hirap makipag-break. Hindi dahil hindi mo alam kung pano sabihin ang mga salitang “break na tayo” kundi dahil alam mong sa kahit anong paraan mo gawin ito, makakasakit at makakasakit ka ng tao. Lalo na’t ang taong sasaktan mo ay yung taong minahal mo.

Para sakin, wala naman talagang tamang paraan ng pakikipag-break. Masakit kasi lahat. Ke magsigawan kayo o magusap kayo ng maayos o idaan mo sa sulat o maglaho ka na lang ng parang bula, lahat yan masakit.

Nasa kanya kasi kung paano nya tatanggapin na break na kayo. At hindi mo na hawak ang mararamdaman nya, ang sasabihin nya, ang magiging reaction nya. Sya na yun eh. Labas ka na dun.

Siguro ang mapapayo ko na lang sayo, mag-ipon ka na lang ng lakas na loob para masabi mo na ngayon ang totoo. Dahil deserve nya na malaman yun kahit gaano pa to kasakit.

Hindi mo na kailangang magbitiw ng mga nakakainsulto na salita o kaya naman ay husgahan sya at ipamuka sa kanya ang mga pagkukulang nya. Hindi mo na rin kailangang isisi sa kanya kung bakit kayo humantong sa ganitong sitwasyon.

Ang mahalaga, klaro sa kanya na hindi ka na masaya at para sa ikabubuti nyo rin tong dalawa.

Hindi mali at mas lalong hindi masama na hangarin mong maging masaya. Wag mong isiping ang sama sama mong tao dahil ngayon mas pinipili mo ang sarili mo.

Ang sakit kayang tanggapin nyan. Na yung taong mahal mo at nagpapasaya sayo, hindi na pala masaya sayo. At mahirap ipaglaban ang isang bagay na matagal ka na palang sinukuan.

Pero hindi mo kailangang maguilty sa bagay na yan dahil eventually matatanggap nya rin yan. Balang araw magpapasalamat din yan sayo dahil mas mapapabuti sya sa breakup na to.

We want to hear from you. Share your thoughts. Thanks!

Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: