Yung Isisisi Sayo Lahat Pero Yun Pala May Iba na Sya

Yung Isisisi Sayo Lahat Pero Yun Pala May Iba na Sya

10 years ago, may ginawa akong blog tungkol sa ex ko.  Nasa healing stage pa  lang ako noon. Hirap magmove on ganun.

Kung ano ano pala sinusulat ko noon haha! It goes something like this:

Naalala ko last year, birthday nya, tawag ako ng tawag pero hindi nya sinasagot. Ganun na ganun ang pakiramdam ko ngayon. Yung wala na talaga syang pakialam…

Ang tagal na pala no… Isang taon na mahigit na hindi na talaga kami okay, na ramdam kong wala na talaga.

Diba sabi nila ang kabaliktaran ng love ay hindi hatred kundi indifference. Pwede ka naman kasi magalit sa isang tao kahit mahal mo. Or kapag galit ka, hindi ibig sabihin hindi mo na mahal.

Pero sya, indifferent na talaga, wala ng pakialam kahit ano pa. Nagbulag-bulagan lang talaga ko noon e. Akala ko kasi maaayos pa. Akala ko nagtatampo lang sya. Kasi naman ang tagal tagal na nyakong inaantay.

Ang dami ko pa kasing arte eh. Sobrang sinisisi ko talaga ang sarili ko sa breakup na to. Ang bait kasi nung tao e. Andami na nga nyang tinanggap sakin, sinuportahan ako sa lahat ng gusto ko. Isa lang naman gusto nya, makasama nako. Ang hirap ko pang ibigay sa kanya.

Sabi nga nila wala kasi akong lakas ng loob na iwan ang kapatid ko. Ako lang kasi nakakaintindi sa lahat ng gusto nyang sabihin. Special child kasi. Hindi makalakad. Hindi makapag-salita. Kahit anong sabihin nila maassure lang ako na hindi mapapabayaan ang kapatid ko, hindi ko pa rin talaga kaya.

Hindi ko PALA talaga kaya. Sinubukan ko naman. Nagkasama namin kami ng dalawang buwan. Pero hindi ako yung totoong ako dun. Ang pangit ng ugali ko dun. Ang lungkot kasing malayo. At alam kong napakasakit sa kanya na kasama ko na nga sya, hindi pa rin ako masaya.

Sa totoo lang ang selfish ko na gusto ko pa ituloy ung relationship namin. Parang ang kapal na ng muka kong magdemand pa sa kanya kahit na wala naman akong kayang ibigay sa kanya. Parang puro sama ng loob na lang ang iniwan ko sa kanya.

Lesson learned? May mga chances na binibigay satin ng isang beses lang. May mga opportunities tayo na pag pinalampas mo, hinding hindi na babalik. I had that one shot and I blew it. I took it for granted kasi akala ko I had it. Akala ko akin na sya at hindi na yun magbabago pa. .

Natatawa na lang talaga ko ngayon habang binabasa yan. Paano kasi nalaman ko kaya sya nakipag-hiwalay kasi may iba na sya. Kinasal na sya at inistalk ko yung fb nila haha!

Hayun, nakita ko anniversary nila. Ngek! Wala pang ilang buwan after namin maghiwalay, sila na pala! Iyak iyak pako. 2 years pakong di nakamove on! Hay naku! Sayang pala yung 2 years ko haha!

At ito pa, recently lang tinawagan nyako. Akala ko naman manghihingi ng closure. Well, a part of it, yes. Pero ang totoong rason, maniningil pala ng utang hahaha!

Wawa naman gipit gipit na.

And for an update, nabayaran ko naman yun hehe. At wala na yung kapatid ko na hindi ko maiwan iwan dati. Kaya never kong pinagsisihan na pinili ko kapatid ko.

At least nabuhos ko sa kanya lahat lahat ng gusto kong love na ipakita sa kanya. Minsan nga pakiramdam ko kulang pa. Pero okay na rin. At least ngayon alam kong wala na syang nararamdamang sakit sa katawan nya. At nakakalakad na rin sya.

At yung ex ko? Bwiset sya! Naguilty guilty pako. Pinalabas pa nyang ako may kasalanan. Neknek mo! Hahaha! 

We want to hear from you. Share your thoughts. Thanks!

Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: